Raves and Rants of a Crack-Brained Critic...at iba pang kachorvahan!

Well, stop muna ako sa pagiging hopeless romantic. May I VIGILANT and CRITICAL AUDIENCE muna ang drama ko ngayon. Umiskema muna tayo ng reflections on mediated products, keri?

Wednesday, September 21, 2005

PROLOGUE

Aba, aba aba. Buti na lamang at aking kinalkal ang baul ng aking mga pinagsusulat na kung anu-ano. Dito ko nadiskubre na matagal ko na palang pinaghandaan ang blog na sinasabi ni Ma’am Iris na pwede naming maging incentive. Marami-rami na rin pala akong naisulat na maaring mai-classify sa incentive na ‘yun. Ayos.

Mayroon talaga akong tunay na blogspot. Kaya lang, tungkol ito sa mga kachakahan ng aking buhay at baka imbes na matuwa ang mga taong mabasa ito, ay maisipan pa nilang ipadampot ako sa mga personnel ng mental hospital.

Mahilig akong mamuna. Mamuna--- sabi ng iba, laitera daw ako, pero para sa akin, constructive criticism ang mga sinasabi ko. Totoo. Sa daldal ko ba namang ito, minsan talaga nahihirapan akong I-preno ang bibig ko at lahat ng maisip ko ay sinasabi ko na para bang wala nang bukas. At kung maipreno ko naman ito, aba, daliri ko naman ang bahala sa pagbibigay buhay sa mga bagay na nais kong ipaalam sa mundo, sa pamamagitan ng pagharap sa computer at pagsusulat ng blog.

At ngayong ikatlong taon ko na bilang isang BroadComm major, aba, hindi na lang na-limit sa mga tao ang mga subjects ko sa aking mga pamumuna. Naiinis na kamo ang mga tao dito sa bahay kapag kasama nila akong manood ng TV. At napupundi na ang mga kabarkada ko kapag kasama nila ako manood ng sine. Dahil pati mga palabas sa TV, mga programa sa radio, mga ads sa mga pahayagan at mga pelikula sa sinehan, isinasama ko na rin sa listahan ng mga subject ko sa aking constructive criticisms.

Examples:

“Ano ba naman ‘yan, walang continuity ‘yan o? Bakit biglang ganyan na posisyon niya? E hindi naman ganyan ‘yan kanina, a?”

“Spiel ba ‘yon? E bakit ang tinis ng boses niya? Hindi siya gumamit ng diapraghmatic breathing…”

“Ano ba naman ‘yan, tignan nga natin ang production value ng programang ‘yan…”

“Anong nakakatakot dun? Ang pangit nung shot n’ya ha. Tsaka bad lighting. Tsktsk.”

Ayan. Pero hindi naman puro panlalait ang ginagawa ko. Mayroon din namang panahon na may pinupuri rin ako.

Basta ako, ang pananaw ko, basta napansin kita, okey ka. Kahit nilait pa kita, basta napansin kita, duuy, keri ka. Haha.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home